Horn itinanggi na gumagawa ng eksena ang mga Arroyo

MARIING Itinanggi ng kampo ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na sinadya nilang umeksena para magkaroon ng drama sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni Maria Elena Butista Horn, Spokesperson ni Arroyo na hindi sila pinayagan ng pamunuan ng NAIA  na makadaan sa Tarmac sa pag-alis sa bansa ni Arroyo at asawang si Atty. Mike Arroyo.

Ayon kay Horn, wala silang ibang opsyon kundi dumaan sa harapan ng NAIA  na maraming tao.

Gusto umano nilang umiwas sa mga tao si Arroyo dahil sa mababang immune system ngunit hindi ito nangyari dahil sa pagtangging magamit nila ang Tarmac Area.

Kaugnay nito, nasa kamay na ng Department of Juastice (DOJ) ang kopya ng desisyon ng Korte Suprema sa inisyung TRO laban sa watchlist order ng DOJ.

Mismong sa tanggapan ni Justice Secretary Leila de Lima ipinadala ng Korte Suprema ang nabanggit na kopya ng TRO.

Subalit naninindigan si de Lima na kahit mayroon na silang kopya ng TRO ay hindi pa rin nila papayagang makalabas ng bansa sina GMA at asawang si Atty. Mike Arroyo.

Iginiit ni de Lima na mananatili ang kanyang kautusan sa mga tauhan ng Bureau of Immigration at NAIA na hindi pwedeng lumabas ng bansa ang mag-asawang Arroyo dahil hindi pa epektibo ang naturang TRO.

Ikinatwiran ni De Lima na kailangan munang desisyunan ng High Tribunal ang ihahain nilang motion for reconsideration sa naturang TRO. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply