Horn nag-sorry sa mga abogado San Beda College

NAG-SORRY si Elena Bautista-Horn, tagapagsalita ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga abogado mula sa San Beda College nang kuwestyunin nito ang kalidad ng edukasyon na itinuturo sa kanilang College of Law.

Una rito, sinabi ni Horn sa isang panayam na baka ibang Konstitusyon ang itinuturo sa San Beda kung saan nagtapos si Justice Secretary Leila de Lima at Immigration legal counsel ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na si Attorney Pio.

Pinasaringan ni Horn sina De Lima at Pio matapos na pigilan ng mga ito ang pag-alis ng bansa ng dating Pangulo noong Martes ng gabi kahit na nagpalabas na ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema sa watchlist order laban kay Gng. Arroyo.

Iginiit ni Horn na hindi niya intensyong lahatin ang buong kolehiyo at sinabi na sina De Lima at Pio lamang ang kanyang tinutukoy.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply