House arrest kay GMA igigiit sa Kamara

NIHAHANDA na ang resolusyon ng mga kongresistang nasa kampo ni dating Pangulo, ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo para sa kanyang house arrest.

Ito ang kinumpirma ni Senior minority leader Rep. Danilo Suarez sa ginanap na regular press conference kanina sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Suarez, ang kalagayan ng kalusugan ni GMA na kahit hindi maituturing na “life threatening” ay marapat lamang bigyan ng pagkakataong umayos para sa kanyang pagharap sa korte.

Sinabi pa ni Suarez na ang kanilang paghahanda ng resolusyon ay nangangailangan ng paggamit ng “proper word” dahil ang kaso ni GMA ay nasa korte na.

Sa katunayan aniya, sa bandang huli ay ang korte pa rin ang masusunod sa anumang maging kapasyahan laban kay GMA.

Ayon naman kay Assistant deputy minority leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay bilang kanilang personal na pananaw, kinakailangang walang nang pakialaman ang anumang hakbang ng iba’t-ibang institusyon hinggil sa kaso ni CGMA at dapat ay magkaroon na rin ng “gag order” mula sa iba’t-ibang tao na nagsasalita hinggil sa kaso ng dating Pangulo.

Pinasaringan din ni Magsaysay ang Senado na nagsasagawa pa rin ng kanilang sariling imbestigasyon hinggil sa umano’y pandaraya sa eleksyon kahit na nasa korte na ang kaso ni dating  PGMA.

Sa dinarami-rami aniyang ginagawang imbestigasyon ng Senado ay wala namang isinusulong na resolusyon o rekomendasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply