House version ng badyet, binago ng Senado

HINDI pumayag ang Senado na manatili ang ilang probisyon sa House version ng pambansang badyet matapos baguhin ng Mataas na Kapulungan ang ilang item dito upang tumugon sa pangangailangan ng mga programa ng administrasyon.

Ganito ang paniniwala ni Senador Franklin Drilon matapos simulan ang pagdepensa sa pambansang badyet sa Senado na may kaakibat na pagbabago sa mahahalagang probisyon sa pambansang gastusin.

Sa kanyang sponsorship speech ngayong araw, sinabi ni Drilon na inirekomenda niya sa Senado ang ilang pag-aamyenda kabilang ang paglilipat ng P1.9 bilyon para sa Payapa at Masaganang Pamayanan (Pamana) program bilang single fund upang mapadali ang monitoring na gagamitin sa development budget.

Hindi rin pumayag ang Senado na alisin ng Mababang Kapulungan ang P811 milyon mula sa badyet ng irigasyon, paglipat ng P750 milyon mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) tungo sa Local Water Utilities Administration para sa portable water projects, at binawas na P100.43 milyon sa alokasyon para sa discretionary funds para sa gobernador at bise-gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao sanhi ng korapsiyon sa rehiyon na ibinuglar ng Commission on Audit.

Inirerekomenda naman ang kabuuang P100 milyon pondo para sa Government Commission for Government–Owned and Controlled Corporation na binigyan ng kapangyarihang magrebyu ng state firm.

Kinaltas din ng Senado ang P37.5 milyon para sa feasibility studies ng Southern Philippines Development Authority na umiiral sa loob ng pitong taon.

Ipinanukala din ni Drilon ang isang special provision sa Funding Requirements for the Filling-up of Unfilled Positions” para sa Hudikatura na kukunin mula sa natipid ng pondo na inilaan para sa unfilled position sa pagtatpos ng Hunyo 30, 2012 para gamitin sa konstruksiyon at pagkukumpuni ng mga sala ng Hall of Justice at gusali ng Sandiganbayan, Court of Appeals at Courts of Tax Appeals.

Sa ilalim naman ng isang probisyon sa badyet, inaatasan ng Senado ang lahat ng departamento, kawanihan at kagawaran at ahensiya ng pamahalaan na magsumite ng quarterly report sa Pangulo at sa Kongreso ukol sa paggamit ng confidential at intelligence funds upang maipatupad ang programa sa transparency sa paggamit ng badyet.

Magkakaroon naman ng pre-audit sa lahat ng badyet ng ARMM sanhi ng mahinang internal control sa pondo ng rehiyon.

“The money measure is a “result-focused budget” aimed at fulfilling the Aquino administration’s priorities in promoting social services, supporting economic growth and reducing poverty,” giit ni Drilon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply