Huling habilin ibinigay na ni Roach kay Pacman

DALAWANG araw bago ang laban, ibinigay na ni trainer Freddie Roach ang kanyang huling habilin kay eight-division world champion Manny Pacquiao.

Ayon kay Roach, wala nang mas gaganda pa kung matatapos ang trilogy nina Pacquiao at Juan Manel Marquez sa isang klasikong knockout.

“I believe all fights should end in a knockout,” wika ni Roach. “Manny is a compassionate guy and he let the last two guys (Mosley and Margarito) off the hook. I urge him not to be compassionate in fights because one punch can change a fight.”

Sinabi ng award winning boxing trainer, mas lalo naman daw nagpursige si Pacman sa ensayo ngayong si Marquez ang kalaban dahil may gusto itong patunayan.

Dagdag pa ni Roach, kung sakaling mapuruhan ni Pacquiao si Marquez, natitiyak umano nitong hindi makakatayo ang tinaguriang “El Dinamita.”

Ang Pacquiao versus Marquez ay gagawin sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply