Humataw ang indie actor na si Norris John

NITONG nakaraang November 2 ay ipinalabas ang indie film na “Batang Ifugao” ng NJ Films International ni Boy Pilapil na pinagbibidahan ni Norris John at ang Gawad Urian Best Supporting Actress na si Angela Ruiz sa pelikulang “Tirador” ni Dante Mendoza.

Malaki ang tiwala ni Boy Pilapil sa kanyang alagang si Norris kaya naman sumugal siya para maipakita ang talento ng 18 year old na computer science student na mula pa sa Mountain Province kaya buong pagmamalaki niyang sinasabing siya’y isang Ifugao.

Kapapalabas pa lang ng kanyang launching movie, may follow up na agad ito na isang indie film pa rin na may working title na “Binatilyo.”

Nagkaroon din sila ng theater tour at base sa aming nasaksihan ay may appeal talaga ito sa mga kabataang babae na kahit sabihin pa na hindi kagwapuhan ay may dating talaga. Handa raw siyang gawin ang lahat ng ipagagawa sa kanya ng kanyang direktor basta okey sa kanyang manager. Mas gusto rin daw niyang makilala sa larangan ng drama. Idol niya pagdating sa akting si Coco Martin. Well, goodluck!

***

SINANG-AYUANAN namin ang naging pahayag ni Vic Sotto na naniniwala siyang kaya ng magdala ng isang show ang kanyang itinuturing na mga kaibigan at matagal-tagal na ring sidekicks na sina Jose Manalo at Wally Bayola sa naganap na press launch ng bagong reality/comedy show ng tatlo sa TV5 na nagkaroon ng premier telecast nitong nakaraang November 5, Saturday.

Kung matatandaan, kumita ang unang pelikula nina Jose at Wally na “Scaregivers” at hindi rin natin pwedeng itanggi na sila ang buhay ng segment ng Eat Bulaga na Juan For All,All For Juan dahil sa kanilang kakalugan na siya ring kinagigiliwan ng mga tao sa bawat barangay na kanilang puntahan.

Dahil nga rin sa tagumpay at mataas na rating ng katatapos nilang show na Laugh Out Loud (LOL) at R U Kidding Me ay naisipan nina Bossing Vic at Direk Bert De Leon na mag-conceptualized ng isang naiibang show para sa dalawa.

Nagsanib-pwersa ang TV5 at MZET Production para sa naturang show at tiyak na mamimilipit na naman kayo sa katatawa sa dalawa lalo na’t ang mga papel nila ay magkaribal na host ng magkabilang network na pinagsama ni Vic para sa iisang show.

Kasama rin ng tatlo sina Mirriam Quiambao, Buboy Garovillo, Jimmy Santos, Erika Padilla at si Niña Jose sa direksyon ni Bert De Leon.

***

NATUTUWA kami sa katotong Ogie Diaz na bukod sa pagiging kilalang manunulat, TV /movie actor, Radio at TV personality, talent manager at ngayon naman, isa na rin itong indie film producer. Katatapos lang nilang gawin ang indie film na “Dyagwar” na pinagbibidahan nina Eric Fructouso at Boom Labrusca. Kasama rin nila sina Marissa Sanchez, RR Enriquez, Tado, Selina Sevilla at ang entertainment writer na si Rommel Placente sa direksyon ni Sid Pascua.

Alam naman namin na hindi ganoon kadali ang maging isang producer kaya naman tutok na tutok si kapatid na Ogie habang nagso-shoot. Sa katunayan nga ay kinantyawan namin ito na bukod sa pagiging producer ay para na rin itong direktor, acting coach, Line Producer at production designer sa nakikta naming pagiging hands-on sa kanyang pelikula.

Hindi namin masisisi si Ogie dahil hindi lang naman basta pera ang ginagastos niya dahil galing ito sa kanyang pinagpaguran. Pero ang tanging napuna ko sa kanya ay ang pagiging malapit niya sa production staff at ang respetong ibinibigay sa kanya ng mga ito.

Hindi naman nakapagtataka dahil mula pa naman noon ay mahusay nang makisama ito.

Ayon pa sa manager ni Vice Ganda na binabati namin sa tagumpay ng kanyang pelikulang “Praybeyt Benjamin” na halos lahat yata ng puntahan naming mall ay mahaba ang pila at SRO ang mga sinehan, ay hindi lang ito ang gagawin niyang pelikula. Sana ay kumita ang Dyagwar ng sa ganun ay maumpisahan na niya uli ang isa pa niyang indie Film. Malay mo, sa susunod ay producer na rin siya ng full length film.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply