Hurting dahil gurang na siya’t napaglipasan nang panahon samantalang ang leading man ay humahataw

HURTING daw ang isang medyo may edad ng aktres sa tragic outcome ng kanyang showbiz career. Imagine nga naman, sa remake ng isang old movie nila ng isang tisoy na aktor, ito pa rin ang isa sa mga leading men dito samantalang siya’y di na uubrang sumali rito for the simple reason that she’s too old already to delineate the role that she used to breathe life into and a veritable has been to boot.

How so very sad and immensely hurting.

Super ang sakit nga namang nararamdaman ng aging actress specially so now that she’s already in her late 40s, almost penniless and her marriage totally on the rocks and her showbiz career practically almost non-existent.

On top of that, nawala na rin ang kanyang mga mahal sa buhay kaya ang feeling niya, she’s very much on her own with no one to lean on but her own strength.

Masakit din sa kanyang ang dating produ na super sweet at solicitous sa kanyang needs ay very much indifferent na sa kanya sa ngayon at in the few occasions na inadvertently ay nagmi-meet sila, wala na talaga ang dating closeness at may ilang factor na specially so from the not-so-young actress’s side.

Kaya kayo riyan, make hay while the sun still gloriously shines because the moment it stops to shine, you have nothing left but ignominy and heartache.

***

Naka-move on nang talaga si Krizzy baby (Jopay Paguia luhaan sa karelasyon)

IT’S not everyday that I get to watch Kris TV. Minsan, dahil sobrang puyat sa deadlines, minsan naman sa rami ng inaasikaso mo, you just don’t have the time to watch teevee anymore.

But the other day, I was able to catch the episode wherein her guest personalities were Jopay Paguia, Tirso Cruz 111 and Albert Martinez.

Eskalera ang episode in the sense na first time naming nalamang off-line na pala si Jopay at ang boyfriend/live-in mate niya for a couple of years na si Joshua Zamora.

How ironic na kung kailan pa annulled na ang marriage nu’ng lalake, saka naman sila nag-off-line dahil gusto raw nu’ng paparu ng space para ma-pursue niya ang iba pa niyang field of interest.

Ganuned? Hahahahahahaha!

Hay, naku, sweet, it’s as good as saying that he’s not that interested with you anymore.

But then, Jopay’s hopelessly and passionately in love, she’s more than willing to wait until such time that the guy would come to realize his folly.

Well, mukhang nabi-visualize na namin ang scenario. Nu’ng time na hot property pa ng Daisy Siyete (a co-production venture of Ms. Joy Cancio and GMA-7) si Jopay, the guy was so involved and supposedly in love with her.

Pero nang magbabu na ang career nito at namatay pa ang manager na nilipatan nito, biglang nawala ang interes niya rito at may drama na siyang he supposedly would want to be left alone for a while.

Puhleeezzzeeee! Hahahahahaha!

Matauhan ka na, ning. He’s not at all in love with you at ginamit ka lang niya for personal gain.

Gayahin mo si Ms. Kris Aquino na nang mahalatang her marriage with husband James Yap was not yielding positive results, bigla siyang nagbabu and look at her now.

Di ba’t super bonggacious at infinitely blooming ang beauty niya?

Sa true, sa kanyang extreme close-up shots, kitang-kita ang muling panunumbalik ng kanyang svelte personality at charismatic beauty.

That should be the right attitude. Kung ginawa mo na ang lahat but it has proved futile, magbabu ka na and try to find your way out from the maze of confusion that you were saddled into and try to be happy once again in living alone.

‘Yan ang ipinakita ni Krizzy baby sa buong mundo at marami ang napabilib at humanga sa kanya.

***

Happy birthday Ate Vi!

THE Queenstar for all Seasons Ms. Vilma Santos is enjoying her sweet vacation right now in Phuket Island, Thailand and is billeted in Radisson Blu. Group of 13 (I just hope I really got it right) up to the 5th of November.

Since on Thursday is the 3rd of November, her natal day, it’s but to be expected that she’ll be celebrating her birthday in that paradise island with her whole family (Senator Ralph Recto, Ryan Christian and their other guests), along with her personal secretary and Girl Friday Ate Aida Fandialan.

So, on this very special day, what do I wish for the governor of Batangas who appears to have everything worth wishing for?

Well, I just hope that her kind of happiness with Senator Ralph would always remain as satisfying and fulfilling the way it is now.

I, too, am fervently wishing that her detractors in Batangas would come to realize that she means well in everything that she does and personal gain has never been a part of her plan or scheme of things.

Career-wise (in show business, that is), I don’t think she still hankers for anything that she hasn’t been able to accomplish already.

What is there to wish or hanker for when she’s been able to achieve staying power and longevity in the business, along with the boundless and endless respect of most people in the industry and the public as well?

Honestly, Ate Vi’s highly privileged and a most fortunate human being as well.

Come to think of it, deserved lang naman niya ito dahil goal-driven siya and an inveterate workaholic as well.

So, on your special day, here’s wishing you the best of everything Ate Vi. I may not be that close to you but I’m enormously glad that I have become a part of your circle from a distance where I could see you clearly and appreciate your kindness and generousity.

Belong na rin ako kahit papano and that makes me happy.

Happy birthday once again, Queenstar! You’re enormously loved because you’re such a loving and caring person.

***

Nakahandang magtiis alang-alang sa pagmamahal

IBANG klase rin ang pagmamahal ng aktor na ‘to sa kanyang asawang may ‘topak’ sa ulo.

Imagine, she’s been able to do the most diabolical and grossly unpardonable things against him but it appears as if he still would want to protect her and love her at all cost.

Akala ng iba’y tinakas niya ang pera nilang mag-asawa dahil meron siyang hidden agenda.

Ang di nila alam, ginawa lang niya ‘yun para protektahan ang kanilang pamilya at i-preserve ang sanctity ng kanilang marriage.

Sa totoo, tinitiis niya ang lahat ng sakit at pag-alipusta ng mga tao alang-alang sa kanilang pamilya.

He’s an ideal husband and father to their kids kaya naman bow sa kanya ang mga taong nakaaalam nang katotohanan.

Bagay na bagay nga sa kanya ang ginawa niyang soap noon sa network na kanilang pinagtatrabahuhang mag-asawa.

Kahit na wala na siya sa mundong ito, still he never fails to look after the needs of his family the best way he could.

True to life, di ba naman? Gagawin niya ang lahat basta’t huwag masira ang samahan nilang mag-asawa at maprotektahan ang kanilang mga anak.

How noble, di ba naman?

‘Yun na!

***

Derek Ramsay kay daling lumaki ang ulo!

WE ARE not a PMPC member but we do feel their pain and gross disenchantment when Derek Ramsay ignored their fund-raising project for the second time on the pretext that he was purportedly sick.

Sa mga ganitong okasyon kung saan expected talaga ng mga taong ang VIP artist na kanilang ini-expect ay darating, nakababaliw nga naman kapag no-show ang artist na involved.

I’m not saying that Ms. Ai-Ai is not that important, she is but of course, but Derek Ramsay’s presence is a big slice of the cake, so to speak.

He is the hottest star of the moment basically because his two movies are veritable blockbusters. But of course the credit is not his alone to claim but more on his comely leading-ladies who are the real stars of the show.

Anyway, malaking factor sa PMPC ang kanyang participation sa show na ‘yun headlining Ms. Ai-Ai delas Alas no less.

Okay na lang sana kung marami silang hunks roon tulad ba nu’ng non-appearance ni Baron Geisler sa show ng Wonder Gays a week or two ago.

Pero hindi eh. Maliban kay Ms. Ai-Ai, malaking factor talaga ang presence roon ng may edad ng hunk na di naman katangkaran at kagwapuhan at nadaan lang sa hyping ang arrive sa publiko.

Pero nag-iba na nga ang ihip ng hangin dahil pumasok na sa ulo ng may edad ng lalakeng ito ang kasikatang tinatamasa niya sa ngayon.

Hahahahahahaha!

Some people, they just don’t know how to cope up with success, really.

How they act like demi-gods when the truth is success or stardom is basically ephemeral and too fleeting an occurrence.

Two years from now, ‘asan na kaya si Derek Ramsay?

Would he still be around?

Hot property pa rin kaya siya pagdating ng time na ‘yun na llebo kwatro na siyang tiyak?

Oh, well, what a pity for these people. Akala nila’y pangmatagalan ang stardom na ‘yan. Hahahahahahahaha!

Pleased to meet you, Derek Ramsay.

Sana nga’y magtagal pa ang kasikatan mo lalo na’t buking ng di ka naman katangkaran at mas mataas pa si Vice Ganda sa ‘yo. Hakhakhakhakha!

***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply