Hustisya sa Maguindanao massacre tiniyak

MAILAP hanggang ngayon ang hustisya para sa  kaawa-awang mga kaanak at kapanalig ng mga biktima ng Maguindanao Massacre.

Noong Miyerkules ay ginunita ang 2nd anniversary ng malagim na trahedyang sinapit ng mga biktima at patuloy pa rin ang pagtangis ng mga kaanak at kapanalig ng mga biktima dahil hanggang ngayon ay umiiral pa rin sa kanilang loob ang kawalang pag-asa sa pagkakamit ng hustisya.

Sinabi ni Executive Sec. Jojo Ochoa, iginigiit ng gobyerno ni Pang. Noynoy Aquino ang panawagan sa  hudikatura na bilisan ang paglilitis sa kaso ng Maguindanao Massacre.

Matatag ang paninindigan ni PNoy, ani Ochoa na pangalagaan ang mga saksi, kapanalig at kamag-anak ng mga biktima. Isinusulong na ng gobyernong Aquino ang pagnanais na makamit ang hustisya sa pamamagitan ng mga taga-usig ng estado subalit hindi lang nakasalalay sa kanila ang katuparan ng hangarin, ayon pa kay Ochoa.

Ipinaliwanag ng kalihim na nasa kamay rin ito ng kapantay ng ehekutibo na sangay ng judiciary. Nasa kapangyarihan ng lumilitis na hukom ang pagtiyak sa mabilis na pag-usad ng kaso pati na rin ang makatarungang pagpapasiya rito.

Tiniyak ni Ochoa ang patuloy na pagtugis ng pulisya sa hindi pa nahuhuling mga sangkot sa nasabing krimen.

UNTOUCHABLE

Ano itong buong tapang daw na paglalatag ng mag-utol na Jenny at Reden Teñedo ng kanilang peryahan na front ng iligal na pasugalan ng color game, karakas at iba pa sa Biga, Sto. Tomas, Batangas?

YAGBOLS  ANG MINAMASAHE

Hindi pa rin tumitigil ang Lapu-lapu Sauna Bath sa pagbebenta ng sex sa mga kostumer ng mga ito. Kunwaring nagmamasahe ang mga masahista pero panay bundol naman sa yagbols at uten ng kostumer para tumigas. Hehehe.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply