I-Bus planong ipatupad ng MMDA

PINAGPAPLANUHAN ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipatupad ang naimbentong Intelligent Bus Utility System (I-Bus) ng mga Filipinong sina Elma Arboleras at Rodel de Guzman na nagwagi ng gintong medalya sa consumer category ng 11th British Invention Show na ginanap sa London.

Ayon kay Tolentino, kakausapin niya sina Arboleras at De Guzman pagbalik ng mga ito sa bansa upang mabusisi pang mabuti kung papaano maipapatupad ang sistema sa Metro Manila na inaasahang lulutas sa problema sa trapiko.

Naniniwala si Tolentino na napakaganda ng imbensiyon lalo na ang konseptong hindi makakababa at makakapagsakay ng pasahero ang bus kapag wala pa ito sa tamang lugar at matutukoy din ng database kung sobra sa itinatakdang bilis ang pagpapatakbo ng driver.

“This is a very good feature. Initially nakikita ko maganda ito sa mga city buses lalo na yung feature n’ya na hindi magbubukas ang pinto pag kumuha ka o nagbaba na pasahero sa hindi tamang lugar o kung lumampas ka naman sa speed limit,” ani Tolentino.

Ang naturang sistema aniya ay kahalintulad din halos ng ipinatutupad na Organize Bus Route (OBR) system bagama’t mas higit na makabagong teknolohiya ang makikita maliban sa monitoring at pamamahala sa operation at oras ng pagbiyahe

Sinabi pa ni Tolentino na dapat suportahan ang imbensiyon na ito ng nabanggit na mga Pinoy at hiningi rin niya ang kooperasyon ng city bus operators para magtagumpay ang proyekto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply