ICC sticker sa Christmas light sisilipin ng DTI

NALALAPIT na ang kapaskuhan kayat naglabas ng babala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga bumibili ng Christmas lights na pagtuunan ng pansin ang mga stickers na nagpapakita na ligtas ang mga produktong nabanggit.

Ayon kay DTI Undersecretary Zeny Maglaya, ang mga selyo o stickers na tinatawag na Import Commodity Clearance na makikita sa packaging lamang at hindi sa mismong produkto ay dapat pagdudahan ng mga mamimili.

Ang mga bagong hologram stickers ng DTI ay mahirap gayahin at taun-taon ay iniiba ang disenyo upang madaling malaman kung luma ang mga stickers na nakalagay sa mga produkto o peke.

Malamang sa hindi sumailalim  sa-inspeksyon ang mga Christmas lights kung makikita ang mga stickers sa mga kahon lamang at kung nais ng mga mamimili na mag-report ng mga pandaraya ay pinayuhan ng DTI ang mga mamimili na tumawag sa opisina ng ahensya sa numeroong ito- 7513330.

Sinabi ni Maglaya na ang Philippine National Police ang siyang mangangasiwa sa pagsusuri ng mga produktong fireworks , subalit para sa mga mamimili ng mga paputok , pinayuhan ng kalihim na hanapin din ang mga ICC stickers sa kanilng mga binibili. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply