Iglot titigbakin na ng GMA-7 dahil kay Claudine Barreto

NAPAGDESISYUNAN na pala ng management ng GMA-7, partikular ng mga excecutive producer ng “Iglot” tigbakin na lang ito sa ere. Ang dahilan, hindi na raw kasi komportable na makatrabaho ng mga taong nasa likod nitong serye ang aktres na kadalasa’y late na raw dumarating sa kanyang mga taping scheds.

Maliban pa roon, mas madalas raw na late na ring dumarating sa taping ang aktres at parang wala daw sa mood na magtrabaho.

Nagsimulang manamlay na mag-work si Claudine makaraang pumutok ang balitang nalaman niyang nawawala ang kanyang dats sa isang sangay ng Union bank diyan sa Quezon City.

Well, sa nawawalang dats lang kaya siya nanamlay? kahit naman kasi anong tanggi ng aktres at asawa nitong si Raymart Santiago na hindi sila hiwalay at okey pa naman ang kanilang relasyon, talagang ayaw pa rin silang tantanan ng isyung  hiwalay na silang mag-asawa, ang mga anak naman daw nila ay nasa poder na ni Raymart.

Sa totoo lang, mas makahihinga siguro nang maluwag at mawawala ang tinik sa dibdib ni Claudine kapag nagsalita siya ng tungkol sa tunay na kalagayan ng kanilang relasyon nila ni Raymart. kunsabagay, walang problema kay Claudine kung matsugi man ang Iglot dahil mayaman naman ito. Ang kawawa ay ang mga maliliit na artistang umaasa lamang sa barya-baryang kinikita ng mga ito sa nasambit na serye.

Guwapong singer na palaos na dahilan daw ng paghihiwalay ng not so young actress at boyfriend nitong pinaghihinalaang vaklushi

HINDI talaga mamatay-matay ang isyung kumukwestiyon sa gender ng guwapong aktor na ‘to na kung sinu-sinong mga guwapong aktor ang nali-link sa kanya. Pero kahit kailan wala pa ring inamin ang ma-appeal na aktor lagi na’y inaakusahang bading.

Ang latest, isang guwapo at papalaos ng singer ang kanyang karelasyon ngayon. Ang singer rin na ito raw ang dahilan sa nangyaring paghihiwalay nila ng kanyang dyowang aktres. Ang male singer raw na ito ang nahuli ng not-so-young actress na nakatalukbong ng kumot sa loob ng kuwarto ni guwapong aktor.

***

SIGURADONG maglalaway na naman ang mga baklush sa 2nd elimination ng bikini open ni Mon Leones sa White Bird Entertainment bar ngayong Nov. 13,2011.

Ngayon pa lang, inaabangan na ng mga parukyanong baklush sa White Bird entertainment bar ang ika-2nd elimination ng bikini open na pakontes ng mga may ari ng White Bird na sina Boss Willie Pingol at ng Partner nitong si Sir Nilo Agustin sa tulong ng reyna ng mga producer at organizer ng bikini open na si Mon Leones.

Ayon kay Tito Mon, mga fresh at talaga namang nakatatakam ang mga modelong lalaki na isasalang niya ngayong Nov. 13 para sa nasambit na 2nd elimination nito.

Sa opening show pa lamang daw ay siguradong tatagaktak ang pawis ng mga kapatid nating binabae at mga tunay na babae.

Dagdag pa ni Tito Mon at Sir Nilo na hindi allowed na mag-join sa nasabing bikini open  na ito ang mga guwapong modelo at mga macho dancer ng White Bird. Kanya-kanyang mga eksena ang mga kasali na modelo sa event na ito ng White Bird.

Say n’yo, kahit talupan pa sila ni tito Mon, wala talagang keber ang mga candidate. Ang dahilan, may malaking prize kasing nakalaan ang nasabing mga bar owner (boss willie at sir Nilo) para sa magwi-win sa grandfinals nito sa Dec 29, 1011.

At take note! sobrang higpit din nina Tito Mon at Sir Nilo sa pagpili ng mga talent. Kung inaakala mong guwapo ka naman talaga at kakabugin mo ang mga artistahing looks ng mga male model and macho dancers siguradong pasok ka sa banga! Kaya mga baklush, watch out kayo at bukod sa pagrampa na ito ng mga candidates sa bikini open ni Mon Leones sa White Bird siguradong hindi rin magpapakabog ang mga dancer at male models sa White Bird at para sa iba pang detalye, tawagan lamang or i-text si Mama Gretta Locca sa kanyang cellphone number na 09217405735

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply