Ika-7 bilyon bata sa Pinas parte ng RH bill

PAKANA lamang ng United Nations Population Control Program ang paggamit sa isang sanggol na isinilang sa Pilipinas at itinuring na ika-pitong bilyong taong isinilang sa mundo upang himukin ang mga Filipino na isabatas ang Reproductive Health (RH) bill.

Iginiit naman ni Palawan Bishop Pedro Arigo na hindi dapat ikahiya ng mga Pinoy ang pagsilang ng ika-7 billion na bata sa bansa.

Sa halip aniya ay dapat pa ngang ipagmalaki ito ng mga Pinoy dahil patunay lamang ito na pinahahalagahan natin ang ating pananampalataya at kasagraduhan ng buhay.

Kasabay nito, nanindigan rin ang Obispo na hindi populasyon ang dahilan ng problema ng kahirapan at gutom sa mundo.

Ang tunay na problema aniya ay ang hindi pantay na pamamahagi ng yaman ng mundo at ang pagiging ganid sa kapangyarihan ng mga namumuno.

“Pinalalabas nila na 7 billion na ang tao sa mundo at gumamit pa ng isang sanggol sa Pilipinas para i-inject sa utak natin na over populated na tayo at kailangan nang ipasa ang RH bill,” aniya pa.

Iginiit naman ni Arigo na hindi totoong overpopulated na ang mundo.

“Hindi totoo yan. Hindi tayo over populated! Malinaw ang turo ng Simbahang Katolika na dapat pahalagahan ang buhay! Hindi ang pagsupil sa populasyon, sa tao ang daan para hindi tayo magutom kundi ang tamang pamamahagi sa resources na ipinagkatiwala sa atin ng Diyos at ang maayos na pamumuno ng ating mga lider,” aniya pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply