Ika-72 anibersaryo ng DND ipagdiriwang ngayon

IPAGDIRIWANG ngayong araw ng Department of National Defense (DND) ang ika-72 anibersaryo nito sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Sinabi ni Defense Secretary Voltaire T. Gazmin na ang pagdiriwang ng anibersaryo ng kagawaran ngayong taon ay napakasimple upang makatipid sa mga gastusin.

Sinabi ni Gazmin na ang pagdiriwang ay tatampukan ng pagbibigay parangal sa mga katangi-tanging (outstanding) empleyado ng DND.

Ang DND ay ang kagawarang ehekutibo ng pamahalaan na responsible upang iligtas ang bansa laban sa mga panlabas at panloob na banta sa kapayapaan.

Sa ilalim ng pangangasiwa ng ahensya ay ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP), ang Office of Civil Defense (OCD), Philippine Veterans Affairs Office (PVAO), ang National Defense College of the Philippines (NDCP) at ang Government Arsenal (GA).

May pananagutan din ang DND sa kahandaang pangkalamidad sa bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply