Iligal na rally ng PMI dinedma ng Ched

BINALEWALA ng Commission on Higher Education (Ched) ang isinagawang rally ng mga estudyante at supporters ng Philippine Maritime Institute.

Matatandaang ipinasara ng Ched ang dalawang non-compliant maritime courses ng PMI na BS Maritime Transportation at BS Maritime Engineering.

Ayon kay Ched Chairperson Patricia Licuanan, hindi sila makasunod sa mga requirements kaya walang magagawa ang Ched kundi ipasara ang nasabing mga kurso.

Aniya, malaki ang ginagastos ng mga estudyante upang makapagtapos lamang sa PMI kaya dapat na magandang edukasyon ang kanilang makuha.

Dahil sa pagra-rally ng mga estudyante ng PMI, nasira ang ilang kagamitan ng Ched.

Pinagbabato umano ng mga estudyante ang Ched kaya nabasag ang mga salamin at nasaktan ang ilang empleyado ng komisyon.

Ani Licuanan, hindi kasama sa karapatan ng mga estudyante ang manira ng public properties kahit pa nagbabayad ng buwis ang kanilang mga magulang.

Nagsimula ang rally Martes ng hapon at nai-disperse bago maggabi.

Gayunman, hindi umalis ang mga raliyista at nagbanta pang daragragan ang kanilang sinira.

Dahil dito, pinayagan ng Ched ang mga pulis na arestuhin ang mga mananatiling nagrarali.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply