Ilocos Norte muling nagka-landslide, mga pasahero stranded

STRANDED ang maraming pasahero sa Brgy. Pasaleng Pagudpud, Ilocos Norte bunsod ng muling pagguho ng lupa na nagsimula kagabi, Nobyembre 23.

Nabatid na mahigit 30 sasakyan ang unang naantala ang biyahe nang magsimulang gumuho ang lupa mula sa dating pinangyayarihan ng landslide at hanggang kaninang umaga ay marami pa ring stranded na pasahero sa naturang lugar.

Itinuturong ang ilang araw na pag-ulan ng nagbunsod upang magkaroon muli ng landslide sa Pagudpud.

Dahil dito, nangangamba ang mga lokal na opisyal na magtatagal pa ito kung mananatili ang madalas na pag-ulan sa naturang lugar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply