Imbestigasyon ng Kamara sa Al-Barka incident hinaharang

HINDI na dapat pang panghimasukan ng Kamara de Representantes ang naganap na insidente sa Al-Barka, Basilan na ikinasawi ng 19 na sundalo.

Ito ang panawagan ni Ang Kasangga Party-list Rep. Teodorido Haresco at sa halip ay ipaubaya na lamang ito sa liderato ng military maging sa mga negosyador ng gobyerno na siyang naatasan upang mag-imbestiga dito.

Nangangamba si Haresco na kung magkakaroon pa ng pagdinig dito ang Kamara ay posible aniyang mabunyag pa sa publiko ang mga maseselang usapin na nakapaloob dito at may kinalaman sa usapang pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

“I don’t think it is still necessary to investigate the Al-Barka incident. Perhaps we should just allow the AFP leadership to conduct its own internal investigation especially because there are security issues that are involved,” ayon kay Haresco.

Naniniwala rin si Haresco na ang imbestigasyon ng Kamara o ng Senado sa insidenteng ito ay maaaring magpatunay na ang militar ay nahahaluan ng pulitika.

“There’s too much anguish and frustration amongst our soldiers already and I think that we would just be adding insult to injury if we again jump in and investigate a purely military concern just because it would give us lots of media coverage,” ayon kay Haresco.

Tiwala ang mambabatas na magkakaroon ng malinaw at maaayos na imbestigasyon ang Sandatahang Lakas ng bansa ukol dito kung nasaan ang pagkakamali bago at matapos ang operasyon sa Al-Barka.

“We have our own opinions on this incident but I believe that this can be best addressed by the AFP as an organization. They are in the best position to know what went wrong and why it went wrong,” sinabi pa ni Haresco.

Anya, anumang pahayag mula sa mga taong wala sa aktuwal na operasyon ay walang karapatang magkomento ukol sa naganap na trahedya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply