Impeachment complaint vs PNoy pinag-aaralan ng kaalyado ni GMA

PINAG-AARALAN ngayon ng mga kaalyado ni dating Pangulo at ngayon ay Pampang Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa Kongreso ang pagsasampa ng Impeachment Complaint laban kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Ito ay matapos ang ginawang paglabag ni Justice Secretary Leila de Lima sa utos ng Korte Suprema na payagang makalabas ng bansa si Gng. Arroyo.

Ayon kay House Minority Leader Edcel Lagman, para saan pa ang “tuwid na daan” ng administrasyong Aquino kung hindi naman umano sinusunod ang mga batas.

Samantala, tinawag namang “spoiled brat” ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay si De Lima sa patuloy na pagmamatigas nito sa kabila ng kautusan ng Korte Suprema.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply