Imported na karne nagkakaubusan na

MALAMANG na magkukumahog ang publiko ngayong kapaskuhan dahil nakakaubusan na ng imported na karne sa merkado.

Ang unti-unting pakaubos ng imported na karne ay ipinahayag ng pamunuan ng National Meat Inspection Service (NMIS) kaugnay sa mga ibinebentang imported na karne sa mga pamilihan.

Ayon kay NMIS Dir. Ed Oblena, ilan sa ating mga locally registered meat establishment ay nagbebenta ng imported na karne dahil mas mura ito kumpara sa lokal na karne kaya mabilis itong nauubos.

Kasabay nito ay nagpaalala ang NMIS sa publiko na siguruhing sariwa at hindi botcha ang binibiling karne lalo na’t papalapit ang kapaskuhan kaya posibleng lumaganap ito sa merkado. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply