Inakalang mangkukulam, lola utas sa boga

PATAY sa pamamaril ang isang lola na inakalang mangkukulam sa San Carlos, Pangasinan kaninang umaga.

Sinabi ni Senior Insp. Isaias Caranto, imbestigador ng San Carlos City PNP, dalawang tama ng kalibre .45 sa ulo at isa sa katawan ang tumapos sa buhay ng bitkimang si Mercedes Castro, 70-anyos, residente ng Barangay Kawayan Kiling sa nabanggit na lungsod.

Inimbitahan naman agad ng pulisya ang itinuturong suspek ang incumbent barangay kagawad sa lugar na si Virgilio Ferrer para isasailalim sa isang paraffin test.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa tapat mismo ng bahay ng biktima.

Ayon sa nakasaksi, basta na lamang dumating ang suspek at saka pinagbabaril ang biktima ng dalawang beses sa ulo at sa isa katawan.

Hindi naman masabi ng pulisya kung naging biktima ang suspek ng pangkukulam ng matanda suspek kaya ito pinaslang.

Pinabulaanan naman ng mga kaanak ng biktima ang paratanglaban dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply