Inaway ng kasintahan, DI nagbaril sa sarili

PAGPAPAKAMATAY sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ang naisip na solusyon ng 21-anyos na dance instructor makaraang mag-away sila ng kanyang kasintahan kaninang madaling-araw sa Pasay City.

Tama ng bala ng kalibre .9mm sa noo ang tumapos sa buhay ni Peter Edward Relayosa nang madatnan ng kanyang inang si Mercedez, 51, sa loob ng tinutuluyang silid sa ika-apat na palapag na tirahan sa Maligaya St.  Malibay, alas-4:45 ng madaling-araw.

Sa pahayag nito kay PO3 Simon Respicio ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police, sinabi ni Gng. Relayosa na bago nangyari ang insidente, nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng kanyang anak at ng kasintahan na itinago lamang sa pangalang Janet na posibleng nag-ugat sa selosan.

Napag-alaman na noon pa man ay mayroon nang “suicidal tendency” ang binata dahil nagtangka na itong magpakamatay matapos mabigo sa unang pag-ibig.

Humingi pa umano ng tawad ang biktima sa kanyang ina at sinabing baka mauna pa siyang mamatay rito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply