Industriya ng kawayan bubuhayin sa Batangas

MGA produktong gawa sa kawayan ang isa sa mga tanim na pinapakinabangan ng mga residente na naging dahilan ng pagdadaos ng ng ‘kawayan festival’ sa Barangay Dalig, Batangas City.

Ipinarada sa festival ang mga produktong gawa ng taga-barangay tulad ng gatangan ng bigas, kaing, pugad o itlugan ng manok, balsa o sasakyahg pang-ilog, sofa set, rocking chair, duyan, bilao at Christmas decor kagaya ng parol.

Ang nasabing festival ay inorganisa ng Pag-Asa Youth Association Of The Philippines–Dalig Chapter sa pangunguna ng presidente na si Xander Marasigan.

Ayon kay Marasigan, ang kawayan ang pangunahing produkto sa kanilang barangay at naisip ng kanilang samahan na magkaroon ng malaking presentasyon para pahalagahan ang kawayan na isa ring pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga taga-rito na na umani naman ng suporta mula sa mga Barangay Officials, Kabataan at Mga Non-Government Organizations.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply