Iniwan ni misis at 2 anak, tambay nagbitay

MAKARAANG layasan ng kanyang misis at dalawang anak ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti gamit ang nylon cord ang isang tambay sa Tondo, Maynila kaninang madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Salvador Megante, 29, ng 443 –C Gerona St., Tondo at isinailalim na sa awtopsiya, para mabatid kung may foul play sa insidente.

Base sa report, dakong 5:00 ng madaling-araw nang madiskubre ang nakabiting biktima ng kanyang pamangking si Cedric, kaya dali-dali dali nilang pinutol ang dilaw na nylon cord saka isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center, ngunit namatay din.

Lumitaw sa ulat na solo nang namumuhay ang biktima nang iwan ng kanyang asawa at isama ang kanilang 2 anak dahil sa kakulangan ng kanilang pangangailangan sa pang-araw araw na gastusin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply