Iniwan ni misis, mister nagbaril sa harap ng anak

ISANG 55-anyos na mister na iniwan ng kanyang misis ang nag-suicide sa harap mismo ng kanyang anak na binata sa La Union, sa ulat ng pulisya ngayong araw.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, dahil sa sobrang dami ng problema sa pamilya kaya nagpasyang magpatiwakal ang biktima bandang 11:50 ng gabi sa loob ng isang van sa Barangay Gusing Sur, Naguillan, nabangit na lalawigan.

Kinilala ang mister na si Doroteo Sanchez, ng nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakipag-inuman muna ang biktima sa kanyang mga kapatid at nang matapos sa kanilang drinking session ay nagpaalam na itong matutulog sa loob ng nakaparadang van sa harap ng kanilang bahay.

Sinamahan pa umano ang biktima ng kanyang kinse-anyos na anak sa pagtulog sa loob ng sasakyan subalit nagitla ito na maglabas ito ng baril.

Sa bilis ng pangyayari ay hindi na umano nagawang awatin pa ng binata ang kanyang ama ng itutok sa kanyang sentido ang hawak na homemade 357 homemade gun at iputok ito.

Sa panayam ng mga imbestigador sa ina ng biktima na si Felisa Sanchez, sinabi nito na posibleng problema sa pamilya hinggil sa hiwalayan nila ng misis nito na sumama sa kanilang kapitbahay ang nag-udyok sa biktima para magpakamatay.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktima habang na-trauma naman ang anak na nakasaksi sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply