Institusyon para sa mga lolo’t lola isinusulong

ISINUSULONG sa Mababang Kapulungan ang panukalang naglalayong itatag ang Philippine Institute for Aging (PIA) na magsisilbing ahensiya ng pamahalaan na sasakop sa lahat ng pag-aaral hinggil sa mga lolo at lola ng bansa.

Ayon kay Rep. Juan Edgardo Angara (Lone District, Aurora), may akda ng House Bill 5411, layunin ng panukala na mahikayat ang mga lolo at lola na maging kapaki-pakinabang pa rin ang kanilang buhay kahit na sila ay nasa huling bahagi na ng kanilang buhay at maipakita rin sa kani-kanilang mga pamilya na mahalaga pa rin ang pag-aalaga sa mga nakatatanda.

Ayon kay Angara, Chairman ng House committee on higher and technical education, kikilalanin ang batas na ito bilang Philippine Institute for Aging Act of 2011 na siyang magiging daan upang maitatag ang PIA bilang research-oriented think-tank ng pamahalaan na siyang magsasagawa ng mga pag-aaral, multi-disciplinary at iba pang may kinalaman sa mga nakatatanda.

Dagdag pa ni Angara ang mga matatanda o tinatawag na aging population ay naging common trend na sa ibang bansa, kabilang na ang Pilipinas.

Pagtutuunan rin ng pansin ng itatatag na PIA ay ang healthcare, medicine at nutrisyon ng mga matatanda.

“Ilan sa mga pagtutuunan ng pansin ng itatatag na PIA ay ang healthcare, medicine at nutrition ng mga nakatatanda upang maging masigla pa rin at malakas ang mga ito; ang pag-aaral hinggil sa neuroscience, gene therapy at stem cell technology na naglalayong mapalawig pa ang kanilang mga buhay; at ang pagsasaliksik hinggil sa smart aging na naglalayon ding mapalawig ang buhay ng mga nakatatanda at gawin itong produktibo,” ani Angara.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply