Ekonomiya isusulong ni PNoy sa APEC summit

SASAMANTALAHIN ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagdalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Hawaii sa darating na Nobyembre 12-13.

Sa isang panayam, sinabi ni DFA Undersecretary Laura del Rosario na gagamitin ni Pangulong Aquino ang pagkakataong ito upang isulong ang interes ng Pilipinas upang makasabay sa pag-angat ng ekonomiya.

Aniya, maliban sa APEC Leaders Summit ay may anim ding bilateral meetings ang Chief Executive gaya sa punong ministro ng Australia, Taiwanese president at kinatawan ng Canada.

Nakatakda rin itong makipagpulong sa chief executive officer ng Microsoft Corporation na interesadong palawakin ang investment sa Pilipinas.

At bago aniya umuwi ang Punong Ehekutibo ay haharapin nito ang Filipino community sa Hawaii kung saan nakatira at nagtatrabaho ang nasa kalahating milyong Pilipino.

Kasama sa delegasyon sina Trade Sec. Gregory Domingo, Finance Sec. Cesar Purisima at Energy Sec. Jose Almendras.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply