Intestinal inflammation ni Ivler bumuti na

BUMUTI na ang intestinal inflammation ng road rage murder suspect na si Jason Ivler at plano ng kanyang doktor na ikasa ang pagbabaligtad ng kanyang colostomy na kailangan namang aprubahan pa ng Quezon City court.

Ito ang nakasaad sa isang brief report ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kay Judge Luisito Cortez ng Regional Trial Court Branch 84 sa pagbisita ni Ivler nitong nakaraang Huwebes (Nobyembre 24).

Dinala ang 29-anyos na akusado sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City sa Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City para sa isang follow-up checkup para malaman kung siya ay handa para sumailalim sa operasyon ng kanyang colostomy.

Sa isang pahinang liham sa korte, sinabi ni jail warden Senior Inspector John Conrad Basilio na sinuring muli ni Dr. Romeo Abary ang pangalawang colonoscopy para maeksmain ang bituka ng pasyente.

Nadiskubre rin na ang nangyaring implamasyon ng gastrointestinal tract o diversion colitis ni Ivler ay bumuti na matapos bigyan ito ng antibiotics sa loob ng isang linggo.

Pitong jail officers ang kasama ni Ivler na naka-indikasyon sa medical pass ni Basilio para sa akusadao.

Ang kumpletong resulta ng follow-up medical examination ay pagtatalunan sa korte sa Disyembre 2. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply