‘Ipa’ power plant itatayo sa Luzon

SA PAMAMAGITAN ng ipa mula sa palay, makapagtatayo na ng planta ng kuryente bunga ng kakapusan ng enerhiya sa bansa.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Usec.  Merly Cruz, isang “eco-friendly” na planta ng kuryente ang balak nilang patakbuhin gamit ang ipa mula sa palay.

Ang naturang proyekto ay may pondong P1.23-bilyon na bahagi ng 51 investment project ng administrasyong Aquino.

Inaasahang tutugon ito sa pangangailangan sa kuryente ng mga lalawigan sa buong Central Luzon.

Para makalikha ng kuryente, nakadisenyo ang 9.9 megawatt na planta na gumamit ng ipa ng palay na kadalasan ay sinusunog o pinabubulok lamang ng mga magsasaka.

Nabatid na bukod sa eco-friendly ang itatayong proyekto, makapagbebenta rin  ng kuryente ang naturang pasilidad sa National Grid. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply