Ipinipilit na house arrest kay GMA tinutulan

MARIING tinutulan ng mga militanteng kongresista ang ipinipilit na house arrest para kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ng kanyang mga kaalyado.

Sa katatapos na press conference ngayon, iginiit ng Makabayan na hindi dapat i-house arrest ang dating Pangulo kundi dapat ipiit sa bilangguan.

Sinabi ni Gabriela Party-list Rep. Luz Ilagan na hindi dapat magkaroon ng “double standard” at “special treatment “ para sa dating Pangulo.

Kaugnay nito, ayon kay House Deputy Minority Leader Danilo Suarez, sa bahay na lamang sana patigilin si Gng. Arroyo kung saan may “comfort zone” ito.

Ipinaliwanag ni Suarez na house arrest ang hinihingi ni GMA at hindi hospital arrest ngunit hindi naman niya minamaliit ang kakayahan ng Veterans Hospital at Manila Orthopedic Hospital.

Aniya, makabubuti ang house arrest para masubaybayan ang theraphy ng dating Pangulo at mas madaling maitatakbo sa St. Luke’s Hospital kung saan nadoon ang kanyang mga doktor at makadadagdag pa ang naka-aangat na pasilidad.

Dagdag pa ni Suarez na hindi dapat aniya makalimutan ng publiko na dating presidente si Arroyo at nararapat na ibigay dito ang mga bagay kung saan ito mas komportable.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply