Iponan Task Force binuo ng DENR

BUMUO ang Department of Environment and Natural Resources, Mines and Geosciences Bureau-10 ng isang team upang magsagawa ng imbestigasyon sa pagbabago ng kulay ng Iponan River, ito ang pahayag kahapon ni DENR Undersecretary for Field Operations Atty. Ernesto D. Adobo, Jr.

Ani Adobo, aayusin nila ang problema ng siltation at sedimentation ng Iponan River na sanhi umano ng illegal hydraulicking operations sa ilog at iba pang lugar tulad ng mga Barangay sa Cagayan de Oro City, Iligan City at Opol, Misamis Oriental.

Matatandaang inirereklamo ng mga residente sa nasabing mga barangay ang pagpula ng ilog at pagkamatay ng mga isda, gayundin ang kanilang mga pananim.

Ayon sa DENR, hindi sila titigil hanggang hindi nasosolusyunan ang nasabing problema.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply