IRGP5, record-breaking!

MAGBABAKBAKAN na naman ang mga premyadong Underbone at Scooter racers ng bansa sa darating na linggo para sa pagbabalik ng Inside Racing Grand Prix!

Ang Inside Racing Grand Prix ay pinangungunahan ng kilalang motorcycle magazine na Inside Racing at ng USRA (Underbone and Scooter Racing Association) na kanilang sinimulan noong 2005. Taon-taon, parami ng parami ang sumasali at sa ikalimang taon nito, nakapagtala ang mga organizer ng record-breaking na 104 total entries.

Ang mga riders ay magmumula sa apat na manufacturer teams at dalawampu’t limang pribadong koponan at maglalaban-laban sa limang kategorya: Top 1 Action Matic Juniors Trophy, Gulf Oil Pride 4T Masters Trophy, Denso Sparkplug Automatic GP, Castrol Power1 130GP at ang kategorya ng Castrol Power1 Automatic.

Ayon sa mga organizer, ang karerang halos naging tradisyon na para sa mga sumasali rito, ay nagsisilbi ring entablado ng mga local racer, kilala man o hindi, na ipakita ang kanilang galing sa underbone at scooter racing. Gayundin naman, binubuklod nito ang mga sumusuporta sa motorcycle racing at mas lalong pinagtitibay ang kanilang samahan.

Dagdag rin nila, ang pagtitipong ito ay isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit masigla ang industriya ng motorsiklo sa bansa at ang, ika nga’y lifestyle na kaakibat nito.

Ang IRGP5 ay gaganapin sa darating na Nobyembre 25 hanggang Nobyembre 27 sa Carmona Racetrack. Alamin ang mga detalye sa www.insideracing.com.ph

Ang IRGP5 ay suportado ng Motolite Motorcycle Batteries, Bridgstone Tires, Castrol Power 1, Gulf Pride 4T, Top 1 Oil, Denso Sparkplugs, MotorcyclePhilippines.com, Ronda Remate Motoring, Stoplight TV, Motorsiklo Xklusibo Radio, Inside Motoring Radio & TV, at ng The Racingline TV.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply