Isa pang kapatid ni Ramgen, inginusong utak sa krimen

MATAPOS na inginusong “utak” ang dalawang kapatid ni Ramgen Bautista-Revilla na sina Ramona at Ramon Joseph na mga pangunahing suspect sa pagpatay dito, isa na namang kapatid nila ang sinangkot sa nasabing pamamaslang makaraang ibunyag ito ng isa sa mga suspect na nasa kustodiya ng pulisya.

Isiniwalat ni Glaiza Visda, isa sa mga suspect sa pagpatay kay Ramgen na siya umanong kumontak sa mga hired killer na papatay dito, na ang isa pa umanong kapatid ni Ramgen na si Ragelyn Gail Bautista ay kabilang umano sa mga mastermind sa naganap na krimen.

Ang naturang pahayag ay ibinase sa mga huling text messages na narekober ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP), na natanggap umano ni Ramgen bago naganap ang insidente sa pagitan nilang magkapatid na si Gail na pinagtatalunan ang isyu sa katian ng kanilang allowance mula sa kanilang ama na si dating Senador Ramon Revilla, Sr.

Kaugnay nito, hindi makapaniwala ang nobya ni Ramgen na si Janelle Manahan sa takbo ng imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng kanyang kasintahan gayundin ang kanyang pagkakasugat dahil nadadawit na ang mga kapatid ni Ramgen na hindi niya inaasahan.

Kasalukuyang nasa safe house si Visda na binabantayan ng mga tauhan ng PNP.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply