ISAFP nanindigang walang kakayahang mang-wiretap

NANINDIGAN ang Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) na wala silang kakayahang magsagawa ng wiretapping katulad ng nangyari sa Hello Garci Scandal noong 2004.

Ayon kay ISAFP Chief, Brig. Gen. Cesar Ronnie Ordoyo, wala silang makina na pwedeng gamitin sa pagwire-tap bagama’t may kakayahan silang mag-intercept ng signal sa ere.

Nilinaw pa ni Ordoyo na tinanggal na ang lahat ng opisyal ng ISAFP na isinasangkot sa Hello Garci Scandal at maituturing na mas matitino na ang mga naka-upo sa pwesto ngayon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply