Isang Kapamilya o Kapatid?: Roxanne Guinoo, may karir pa bang babalikan

MATAPOS din ang mahaba-habang panahong ‘pamamahinga’ sa showbiz mula nang magkaroon ng sariling pamilya, nagpakitang muli ng panibagong sigla ang dating sexy young actress na si Roxanne Guinoo sa kanyang pagbabalik-showbiz. Kung dati-rati ay sa pamamahala siya ng ABS-CBN Talent Center, ngayon naman ay may bago siyang manager.

Sa isang panayam ay mariing sinabi ni Roxanne na masaya siya sa bago niyang manager at naniniwala siyang malaki ang magagawa nito para muling sumigla ang kanyang showbiz career. Free lancer kasi siya at isa sa napipisil na maging kontrabida sa isang bagong primetime teleserye na gagawin ng TV5.

Pero ayon sa kanyang kampo, hindi raw nila ito matatanggap dahilan sa feeling ni Roxanne na hindi siya magiging komportable sa ganitong role lalo pa nga’t pagbabalik-showbiz niya ito.

Una nang sumalang si Roxanne sa isang proyekto ng TV5 kasama si Joey Marquez pero hindi naman siya nagtagal dito at panandaliang tumigil muna sa showbiz. Kung siya lang ang masusunod, feel ng aktres na mapasabak muli siya sa mga heavy drama tulad ng mga ginawa niyang teleserye noong exclusive pa siya ng Dos like “Florida” at “Ligaw na Bulaklak.”

Pero nang matanong siya kung just in case na may offer na magsama muli sila sa isang proyekto ng dati niyang syota na si Jake Cuenca, isang mariing “no” ang kanyang tugon bilang respeto na rin daw sa kanyang non-showbiz husband. Feeling kasi ni Roxanne na baka paglaruan uli ang nakaraan nila ni Jake kung sakaling magsama sila sa isang project.

***

SUPORTADO ng action star na si Robin Padilla ang pagbabalik-showbiz ng asawang si Mariel Rodriguez lalong-lalo na sa pagiging host nito. Kaya nga ba anuman ang naging desisyon nito hinggil sa pagiging host ay hindi pinakikialaman ni Robin kahit pa open naman ang asawa sa pagsasabi sa kanya ng mga desisyon na gagawin. Kahit pa sabihing makatatapat ng show ni Robin ang show ng kanyang asawa sa magkalabang istasyon, okey lang ito kay Binoe. Para kasi sa aksyon star, wala naman daw kasing personalan, trabaho lang. Pero pagdating pala sa paggawa ng pelikula, may limitasyon palang binigay si Binoe at yun ay bawal na bawal sa kanya ang may kissing scene o love scene. Hindi raw kasi komportable si Robin na makita ang asawa sa pelikula na may kahalikang iba.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply