Isang naiibang concert for a cause

ISANG naiibang concert experience ang handog ng GMA-7 kamakailan sa pamamagitan ng Tanduay Rhum Rockfest Year 5.

Napanood ito nang walang commercial breaks sa SNBO pagkatapos ng Protégé.

Sa loob ng isa’t kalahating oras, nagsama-sama ang mga pinakamalalaki at pinakabigating pangalan sa kasaysayan ng Pinoy Rock sa pangunguna ng Tanduay First Five bands – ang Chicosci, Kamikazee, Parokya ni Edgar, Wolfgang at Sandwich!

Lalo pang naging espesyal ang concert dahil sa partisipayon ng mga Filipino music icons tulad nina Sampaguita, Bamboo at si Rico Blanco na siyang umawit ng theme song ng Tanduay Rhum Rockfest Year 5 na Ngayon.

Ibang Klase talaga ang pagsasanib-pwersa ng mga past and present rock artists sa isang ‘di malilimutang gabi ng selebrasyon at musika.

Tampok din ang performances mula sa bandang Hungry Young Poets, Protégé mentor na si Gloc9, at sa dating drummer at vocalist ng Introvoyz na si Paco Arespacochaga na umuwi pa sa Pilipinas para lamang sa concert na ito.

Nagsilbing highlight ng gabi ang traditional toast na pangungunahan ng mga OPM ambassadors na sina Ogie Alcasid, Noel Cabangon, Dingdong Avanzado, at ilan pang mga officials mula sa Tanduay.

Sa loob ng apat taon, patuloy na nagsasagawa ang Tanduay ng iba’t ibang events na may layuning ipagmalaki at itaas ang kalidad ng orihinal na musikang Pilipino. At ang Tanduay Rhum Rockfest Year 5 ang pinakamalaki at engrande sa lahat.

***

DI nakalilimutang panoorin pagkatapos ng 24 Oras Weekend editor, ang Pepito Manaloto.

Tampok si Michael V, na tuwang-tuwa na dalawang awards agad ang nakuha ng kanyang brainchild na program, ang Pepito Manaloto, sa mga award giving bodies. Best comedy show sa Catholic Mass Media Award.

Samantala, nakatanggap rin ang nasabing programa ng Special Award for Insurance Education through the Media sa 1st PIRA Awards na ginanap noong ika-21 ng Oktubre sa The Peninsula Hotel sa Makati City. Kinilala ng 1st PIRA Awards ang episode ng Pepito Manaloto noong ika-11 ng Setyembre na nagpakita ng kahalagahan ng pagkakaroon ng life insurance.

000

Last Oktubre 23, nagtunggali ang 15-pares ng mga kabataang babae’t lalaki sa CB Mall ng Urdaneta City, Pangasinan para sa Northern Luzon Regional Search ng OLIVE-C Campus Model. Dito’y pinili kung sino ang karapat-dapat na manalo para maipadala sa Maynila sa Enero 28, 2012 para sa national search ng OLIVE-C Campus Model.

Ayon sa Producer nito na si Mr. Jim Acosta, ang nasabing pageant ay dinaluhan ng mga kabataang estudyante na magmumula sa Ilocos hanggang Pangasinan na siyang sumasakop ng Northern Luzon. “Isa lamang ito sa mga regional searches ng aming proyekto at layunin namin na magtuklas ng mga kabataang may potensyal na maging product endorsers/models.”

“Malaki rin ang posiblidad na ang campus search na ito ay magsilbing-daan sa mga nanalo upang makamit ang pinapangarap nilang stardom o sumikat sa larangan ng show business,” diin pa ni Mr. Acosta na siya ring Pangulo ng Psalmstre, maker of Olive-C at New Placenta.

Sa nasabing model search, inimbita ang 2007 Miss Philippines-Earth na si Jeanne Harn na naging pageant host. Kasama naman sa mga hurado ang 2011 Look of the Year – Phils na si Jeaann Finuliar at ilang mga media practitioners mula Maynila.

Bukod sa Northern Luzon, susunod naman ang OLIVE-C Regional Search sa Pan Pacific Mall sa Legaspi City, Albay sa Nobyembre 6, at sa Town Plaza ng Lipa City, Batangas sa Nobyemre 19. Para sa iba pang detalye, tumawag lamang sa telepono bilang 715-7604, o mag-text sa 0922-8542584.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply