Isang pamilya na supplier ng shabu kinasuhan ng PDEA

KINASUHAN na kahapon (Huwebes, Nobyembre 10) ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang apat na miyembro ng isang pamilya na umano’y mga supplier ng shabu dahil sa paglabag sa ipinagbabawal na droga sa piskalya ng Imus, Cavite.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., ang mga suspek sa bisa ng search warrant na sina Norman Tumambac, Jr., alyas Lapad, 49, at ama ng pamilya at asawa niyang si Rosalinda, 50, vendor kapwa ng Blk. 13 Lot 8, sa nasabing lugar kung saan nakuha sa kanila ang drug paraphernalias at plastic sachet ng hinihinalang shabu (5.22 grams).

Sa ikalawang search warrant , nadakip naman ang anak na si Norman Tumambac III, alyas Junior, 28, at asawa nitong si Coemilyn Tumambac kung saan nakuha sa kanila ang may 10.97 grams ng shabu na nakalagay sa 7 plastic sachet kasama ang drug paraphernalias sa isinagawang operasyon laban sa kanila sa Blk 13, Lot 43, Imus , Cavite .

Ang nasabing pagsalakay ay bunsod ng ipinalabas na search warrant laban sa mga suspek ng mga elemento ng PDEA Regional Office 4A (PDEA RO4A) sa ilalim ng pamamahala ni  Director Emerson Margate kasama ang PDEA Special Enforcement at lokal na pulisya na inilunsad sa magkahiwalay pero magkakatabi lamang lugar sa Brgy. Ramon Cruz, GMA, Cavite noong umaga ng November 5, 2011.

Samantala, sa ikatlong search warrants naman nadakip sina Rebacio, 45, na construction worker  sa bahay nito sa Blk 13, Lot 18, sa Brgy Ramon, kung saan nakuha sa kanya ang isang sachet ng shabu na naglalaman ng 33.13 grams ng shabu,.

Sa huling search warrant naman nadakip sa Ismael Enrile, 40 anyos , laborer ng Blk 14 Lot 74, sa Brgy Ramon kung saan nakuha sa kanya ang assorted drug paraphernalia at 2.44 grams ng shabu na nakasilid sa dalawang plastic sachets.

Pawang nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa sections 11 at 12 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya ang mga dinakip.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply