Isnaberong taxi driver ipinagbabawal ng LTO

DAHIL sa nalalapit na Kapaskuhan at kaakibat nitong pagdami ng nagsa-shopping, sinimulan na ng mga awtoridad sa transportasyon ang kampanya upang mapangalagaan ang publiko mula sa mga isnabero at abusadong drayber ng taxi.

Mag-iinspeksyon ang Land Transportation Office (LTO) sa mga pangunahing kalsada at sa Ninoy Aquino International Airport upang matiyak na maayos ang pakikitungo ng mga drayber ng taxi sa mga mananakay.

Sinabi ni Teofilo Guadiz, hepe ng LTO Metro Manila, na iba-blacklist ang mga drayber ng taxi na tumatangging magsakay ng mga pasahero o namumuwersa sa mga mananakay sa “kontrata,” kung saan magbabayad ang mga ito ng mas mahal na pamasahe.

Sinabi ni Guadiz na makikipag-ugnayan ang kanyang opisina sa management ng malalaking mall sa Metro Manila na huwag nang payagang makapasok sa kanilang malls ang mga taxi na makakasama sa nasabing blacklist.

Anito, ang mahuhuling tumatanggi sa mga pasahero o nangongontrata ay pagmumultahin ng P1,500 at isusupinde ang lisensya.

Pinayuhan ng LTO ang mga pasahero na tinanggihan ng mga isnaberong drayber ng taxi na tumawag sa LTO hotline na 4262521.

Para mas madaling maparusahan ang mga abusado ay isama sa reklamo ang pangalan ng taxi at ang numero ng plaka nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply