ITCZ, northeast monsoon dahilan ng pag-ulan sa Luzon at Mindanao

INANUNSYO kaninang umaga ng state-run weather bureau na ang mga pag-ulan sa ilang parte ng Luzon at Mindanao ay dulot ng northeast monsoon at intertropical convergence zone (ITCZ).

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang Southern Luzon, Visayas at Mindanao ay magiging maulap at makararanas ng maulap na himpapawid na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat.

Sa ulat ng Pag-asa, ang kalangitan ay magiging maulap at magdadala ng malawakang pag-ulan sa eastern sections ng Central and Southern Luzon at Visayas na posibleng magdulot ng flashflood at landslides.

Samantala, ang natitirang bahagi ng Luzon ay makararanas ng maulan na panahon at kalat-kalat na pag-ulan.

Sa kabila naman nito, walang na-monitor na tropical cyclones sa loob ng teritoryo ng Pilipinas, dagdag pa ng Pagasa.

“Moderate to strong winds blowing from the Northeast will prevail over Luzon and Visayas and the coastal waters along these areas will be moderate to rough. Elsewhere, winds will be light to moderate coming from the Northeast with slight to moderate seas,” dagdag pa ng Pagasa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply