Ivler kailangan ng major surgery – QMMC doctor

IPRINISINTA kaninang umaga ng defense lawyer ni road rage suspect Jayson Ivler, si Dr. Romeo Abary ng Quirino Memorial Medical Center (QMMC) sa isang Quezon City judge bilang patunay na ang kanilang hinaing mosyon para sa kanilang kliyente ay kailangan dahil may impeksyon na ang bituka nito at kailangan ng maoperahan.

Sinabi ni Abary nang tumayo sa witness stand sa sala ni QC Regional Trial Court judge Luisito Cortez ng Branch 84, kailangan na agad ni Ivler na sumailalim sa operasyon kapag ang implemasyon sa kanyang colon ay bumaba sa butas ng kanyang bituka.

Idinagdag pa ng doktor ng suspek na lumabas sa serye ng eksaminasyon dito na ang pinakahuli ay nitong Lunes (Nobyembre 15), na ang intestinal tracks ni Ivler ay kailangan ng “reverse colostomy,” dahil ang ilang parte ng  colon nito ay namamaga na o may “colitis.”

Ang colitis ang nagiging sanhi ng abdominal pain at bloody discharges na nararanasan ni Ivler.

Sinabi ni Abary na lumabas na ang colonoscopy ni Ivler sa ikinasang eksaminsyon dito na may presensiya ng foreign metallic bodies na maaaring dulot ng piraso ng bala na nakuha kay Ivler noong siya ay dinakip.

Kapag natapos naman ang operasyon, pinag-iisipan ng prosecution panel ang pagdadalhan kay Ivler kung ito ay magpapagaling sa Bicutan jail o sa QMMC hanggang sa ito ay gumaling.

Ipinaalam din ni Abary sa korte na kailangan pa ring bayaran ni Ivler ang kanyang hospital bill sa dalawang major operation na ikinasa sa kanya noong siya ay naaresto na halagang P250,000. Hindi pa kasama dito ang iba pang hospital fees.

Ang kanyang eksaminasyon nitong Lunes lamang ay umabot na ng mahigit P21,000 kaya nagtatanong na si Cortez kung sino ang magbabayad ng medical expenses ni Ivler na sinagot naman ng depensa na ang magbabayd ay ang nanay nito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply