Ivler pinayagang magpasuri sa bituka

INATASAN kaninang umaga ng korte ang mga opisyales ng Bureau of Jail Management and Penology sa Camp Bagong Diwa na muling dalhin sa isang government hospital ang road rage murder suspect na si Jason Ivler.

Sa inilabas na kautusan ni Judge Luisito Cortez ng Quezon City Regional Trial Court Branch 84, pinahintulutan si Ivler na magsagawa ng follow-up examination sa Quirino Memorial Medical Center para sa diperensya sa kanyang bituka.

Hindi ito ang unang beses na nagpagamot si Ivler sa QCMM dahil noong nakalipas na linggo ay nagpatingin ulit ito sa kanyang doktor dahl sa nasabing karamdaman.

Si Dr. Romeo Abarry umano ang magsasagawa ng medical tests kay Ivler.

Kung maaalala, nakipagbarilan si Ivler sa mga ahente ng National Bureau of Investigations noong Noyembre 23, 2009 nang ito ay arestuhin sa kanilang babay sa dahil sa pagpatay kay Renato Ebarle, Jr., anak ni Renato Ebarle, isang opisyal ng Palasyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply