Iwas-pusoy kapag tinatanong tungkol kay Lovi

NATAWA si Jericho Rosales sa tanong kung matalas na rin siya pagdating sa pag-ibig dahil siya ang endorser ng isang blade na pang-shit.

“Alam mo, ‘yan ang isang bagay na pinapapurol ko, e. Ang dami ko na kasing past relationships, kaya ang plano ko talaga, medyo susuwabehin ko lang ngayon,” deklara ni Echo.

Aminado ang actor na meron siyang idini-date ngayon.

“Mero’n naman..pero inuuna ko na lang muna yung trabaho ko. Ayoko mapunta yung buhos ng attention ko sa lovelife ko, e. I have a lot of ano…marami akong kailangang i-prove. Pero, it’s important to be happy,” aniya pa.

Ano ba ang mas gusto ng babaeng kanyang nahahalikan—yung nakapag-ahit o hindi nakapag-ahit?

“E, ano ‘yan, e… May mga babaeng gusto yung pag nahahalikan sa pisngi na may konting stubbles. Mero’n ding gustong makinis naman. Karamihan ng nahahalikan ko sa pisngi, e, nagrereklamo na natutusok sila…Mga fans ‘to, ha, pag may mga mall shows,” sey pa niya.

Anyway, tinanong din si Echo kung ready na siya sa comparison kay Piolo Pascual na makakasama niya sa teleseryeng “Padre de Pamilya.”

“Di naman namin maiwasan na ikumpara kaming dalawa, e. Especially ang tagal naming di nagkakatrabaho. Inisip na lang naming dalawa na mag-focus kami do’n sa teamwork namin. Kung gusto ninyo kaming ikumpara, ikumpara n’yo na lang kami kay Sir Boyet  (De Leon) para takot talaga kami!” natatawang pakiusap ni Echo.

Sey pa niya “But, a…pagdating sa work, hindi rin ako magiging effective kung hindi effective yung katrabaho ko. So, mag-aano lang din ako…magdidepende lang din ako sa performance ko, sa performance ni Piolo, at sa performance ni Sir Christopher. And vice versa. Kasi, if not, baka lumabas na OA (over-acting) ako. O, baka lumabas na OA si Piolo.

Or, under [acting ako] o… It’s all about the balance, kung papa’no namin gampanan yung demands ng roles namin sa soap opera.

“What we do (now) is, pagpasok mo, kalimutan mo na yung sarili mo.’ ‘Yan ang ginagawa ko with Piolo ngayon. Gano’n talaga, e. Wag mong isipin yun. Parang…at least, ‘wag mong iisipin na, ‘Ikukumpara ako. Mas magaling ako. Ia-outshine ko ‘to.’Actually, it’s bad. Tsaka yung roles namin, magkaiba. Dito ano… hindi naman yung magugulat kayo, pero iba yung role ko dito. Ibang klaseng character ipo-portray ko rito,” bulalas pa niya.

Inurirat din siya tungkol kay Lovi Poe. Hindi niya alam ang sasabihin niya sa pagkakaroon ng crush ng aktres sa kanya na kapareha niya sa pelikulang “Yesterday, Today, Tomorrow” na isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre.

“Awkward lang sagutin. Hindi ko alam. Basta masaya akong katrabaho siya kasi magaling siya, professional siya, malalim siyang artista, marami siyang binibigay na surpresa sa mga scenes namin, so I want to focus on that. I don’t want her to feel uncomfortable, eh.

Posible bang mag-fall siya kay Lovi?

“Ah, tinanggal ko na kasi sa sarili ko ‘yung image ko na kapag leading lady ko, nagiging girlfriend ko. Simula nun’g mag-partner kami ni Sarah Geronimo,” aniya pa.

Sa pagpasok ng 2012 ay mas excited ang aktor dahil susubukan na niyang gawin ang matagal na niyang dream na makapag-direk ng isang proyekto at ang ABS-CBN ang magbibigay ng daan sa kanya para matupad ang pangarap niyang ito.

“Ayoko sanang i-preempt but yes. Gusto ko kasing maging direktor, nag-direk na ako ng ilang music videos, simple lang naman, but it’s really in my heart to direct full-length films, parang ganu’n.

“Sabi nila, I can do one Maalaala Mo Kaya, so, hopefully, I find the right story, magaganda naman lahat ng storya ng MMK, so I’m really blessed na kasama sa ano (contract) ko, ‘yun ‘yung pinaka-exciting du’n sa offer ko sa contract ko at du’n ako pinaka-kinabahan,” he said.

Echo is scheduled to renew his contract with ABS-CBN kaya definetely ay Kapamilya pa rin daw siya at hindi lilipat.

Matatandaang inamin ni Echo noon na mayroong offer sa kanya from the other network and for a while ay na-consider niya ito pero in the end ay nagdesisyon ang aktor that he’s staying with ABS-CBN.

Right now, walang-wala na raw sa isip niya ang lumipat pa ng ibang istasyon.

“Di ko naman talaga sobrang desire na lumipat talaga. Sa akin naman, masaya naman talaga ako with ABS-CBN. Masaya ‘yung relationship namin eversince, eh.”

So, hindi siya ang sikat na male actor na natsitsismis na lilipat sa TV5?

“No, it’s not me,” mabilis niyang tugon.

Talbog!

***

SUMABAK na nu’ng Miyerkules (Nov. 23) si Camille Villar, ang magandang anak nina Senator Manny at former-Rep. Cynthia Villar bilang guest co-host ni Willie Revillame sa show nito sa TV5.

Ayon sa kanyang amang si Sen. Villar, “Masaya kaming buong pamilya sa page-guest co-host ni Camille sa show ni Willie.
We are very proud of her at nandito lang kaming buong pamilya to giver her moral support.”

One week magiging bahagi ng programa ni Willie sa Kapatid Network si Camille bilang kapalit ni Mariel Rodriguez na pansamantalang nakabakasyon.

Sey ni Camille, nagsimula lang sa biruan ang pagiging guest co-host niya sa Wiltime BigTime at hindi niya akalaing tototohanin ito ni Willie. Sinabi pa ng dalaga na ginawang tulay ni Willie ang kanyang Mommy Cynthia kaya siya napasabak bilang co-host ng show.

“Nagsimula ito sa biru-biruan, madalas binibiro ako ni Willie na maging host, then he called my Mom and asked for my Mom’s permission at pumayag naman siya,” nakangiting panimula ni Camille.

Sinabi rin niya na natutuwa siyang maging bahagi ng show dahil gusto niyang makasama ang mga mahihirap at ang mga ordinaryong masa na tinutulungan ni Willie via his TV show.

“Sobrang excited ako na makasama ko ‘yung mga tao sa Wiltime BigTime. Medyo nababawasan iyong kaba ko ng kaunti dahil makakasama ko nga si Willie. Palagi naman niya akong tinutulungan at sinusuportahan, so, okey naman.

“One of the reasons kung bakit excited akong mag-host sa program ni Willie ay para makasama ang mga taong nagpupunta roon. Maka-usap sila, makapiling sila… at gusto kong makatulong in any way that I can dahil iyon ang itinuro sa akin ng parents ko,” kuwento pa niya.

“Sobrang comfortable rin ako sa show na iyon dahil malimit kaming nagpupunta roon ng daddy ko,” dagdag pa niya.

Posible kayang masundan pa ang stint na ito ni Camille sa showbiz dahil sa kanyang personalidad na masayahin, matalino, at very articulate?

“I’m just trying to focus on doing a decent job in the first week. Hindi ko na iniisip ang iba,” esplika pa niya.

Sakali namang may offer na show kay Camille, posibleng nakalinya sa public service ang mga hinahanap niyang laman ng programang sasalihan.

“As long as it’s fun and as long as I get to help people, okey naman.

“Oo, iyong tipong public service program, kasi one of the reasons kaya I wanted to join the show was to reach more people and to be with these people,” saad ng dalaga.

Naniniwala ba siyang pabling si Willie?

“Kung ano iyong opinion ng ibang tao kay Willie, opinion nila iyon at nirerespeto ko iyon. Basta ako, I think Willie is very nice, he is a very loyal friend at sa kanya ko natutunan iyong, ‘Walang iwanan.’ Si Willie, matagal na kaming magkasama at mabait siya.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply