Jaclyn Jose walang keber sa pamilya ni Albie Casino!

MARIING sinabi ni Jaclyn Jose na walang DNA Test na magaganap kailanman gaya ng gustong mangyari ng pamilya ni Albie Casino para sa ikalilinaw ng pagiging ina ni Andi Eigenmann.

“I do not care about them or their family,” matapang na pahayag ng aktres.

Sey pa ni Jaclyn, sure siya na alam ni Albie na siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Andi.

“They took the pregnancy test, silang dalawa ni Andi. The both of them!

“Anong pinagsasabi niyang he doesn’t know? I don’t wanna deal with him. In fact, I don’t wanna see him. He’s not welcome in my life, in Andi’s life, or my apo’s life! The whole clan of the Casiño, whatever,” aniya pa.

Never raw nilang gagawin yung sinabi ng pamilya ni Albie na lapit lang sila pag kailangan ng tulong.

“They will never be part of my apo,” deklara ni Jaclyn sa isang panayam.

Tsuk!

-0o0-

BAGAMA’T sweet at mahinhin ang image ni Eula Caballero bilang grand winner ng “Star Factor” ay nabinyagan na siya ng intriga sa Twitter at mga blind item.

Dapat siguro ay aware si Eula sa mga ginagawa niya at ikinikilos dahil ayon sa Twitter…”Dapat bantayan si Eula Caballero, ang bata-bata n’ya para maglasing at mag-overnyt kasama ang isang actor (produkto ng Pinoy Big Brother) sa Batangas…”

Ngayon pa lang gumaganda ang career ni Eula bilang talent ng TV5 (napapanood sa ‘Bagets’ at ‘Hey, It’s Saberdey’) at bagong Regal baby sa pelikulang ‘Yesterday,Today & Tomorrow’ kaya ‘wag niyang sayangin ang pagkakataong ‘yun. Hindi maganda sa isang wholesome young actress na nasasangkot sa ganyang tsismis.

-0o0-

BONGGA talaga ang kontrobersyal manager na si Lito De Guzman dahil sunud-sunod ang mga alaga niyang wholesome after ng Wonder Gays. Maihahalintulad siya sa isang sexy star na kinikilalang aktres na ngayon. Kumbaga, nagsimula si Mother Lito bilang star builder ng mga sexy stars pero ngayon ay mga wholesome na ang alaga.

Kaya naman nu’ng Saturday, isang pasabog ang ginawa niya dahil isang bonggang album launching sa Rembrant Hotel ang nangyari sa bago niyang talent na si Raia Quiroz—isang 16-year old na nagmula sa Angeles City, Pampanga at nanggaling sa isang buena familia.

“Eleven pa lang si Raia, nakita ko na ang potential niya. But I waited for her to grow up muna bago ko siya inihanap ng original songs. She’s very talented but I told her to focus muna on singing at saka na siya mag-artista,” deklara ni Mother Lito.

Sey naman ng parents ni Raia na sina Mr. Ricky Quiroz at Mrs. Gloria Quiroz, bata palang ito ay nakitaan na nila ng talento sa pagkanta at pagsayaw kaya naman nang nasa saktong edad na ito at gustong ituloy ang kinahiligan ay sinuportahan nila ito.

Paborito ni Raia si Regine Velasquez. At nang tanungin kung sino ang gusto niyang makapartner pag nag-artista siya? “Si Jake Vargas po kasi kumakanta rin siya at magaling maggitara.”

Her debut album is titled Raia Quiroz Tara Na. Other songs in the album are Baby, Sorry Na, Pangarap, Cellphone, at Mini-Mini Maynimo and it’s distributed by D’ Concorde Recording Company! Sina Boy Christopher at Blanktape ang composers ng kanyang album kung saan ang carrier single ay
‘Hay Naku.”

Ayon pa kay Mother Lito, maraming kakabugin si Raia kapag nagsimula ng umandar ang makinarya ng LDG Productions. Bukod kasi sa beautiful, nasa tono pa ang hagod ng boses nito. Sosyal ang packaging ni Lito de Guzman kay Raia at pinag-usapan ng press ang apat nitong marshall sa presscon na nakabantay sa kanya na animo’y kikidnapin. Hahaha! Talbog!

-0o0-

PINAKATINUTUKAN ng mga Pilipino sa kani-kanilang mga kabahayan ngayong Oktubre ang mga programa sa primetime ng ABS-CBN at namayagpag pa sa apat na malaking teritoryo ng bansa sa average national audience share na 42% base sa datos ng Kantar Media.

Nanguna ang ABS-CBN sa primetime block (6 p.m. to 12 m.n.), kung saan may pinakamaraming nanonood at mas maraming patalastas ang inilalaan ng mga advertiser, sa Metro Manila sa audience share na 35% pati na rin sa Balance Luzon (lugar sa Luzon sa labas ng Mega Manila) sa audience share na 44%.

Mas lalo namang lumaki ang lamang ng ABS-CBN sa Visayas at sa Mindanao. Ang 60% ng mga Filipino households ay nanonood ng ABS-CBN sa Kabisayaan habang 61% naman ang nakatutok sa Kapamilya sa Mindanao.

Pinuno ng mga dekalibreng weekday at weekend programs pati one-time specials at launches ng ABS-CBN ang 14 sa top 15 pinakapinanonood na programa para sa nakaraang buwan.

Patuloy na pinakainaabangan sa mga kabahayan ang “100 Days to Heaven” sa average national TV rating na 32.4% na sinusundan ng unang advocacy-serye na nagpapaluha satin gabi-gabi ang “Budoy” na may 27.9%.

Pumangatlo naman ang nangungunang newscast sa bansa na TV Patrol sa average TV rating na 27.1%.

Ang katatapos lang na talent-reality show na Pilipinas Got Talent, na siyang kumilala sa Maasinhon Trio bilang ikatlong grand winner nito, ay bumira sa ratings sa huling pagkakataon sa average national rating na 24.5%. Pumalo naman ng 32% ang final results night nito at nag-trend pa sa Twitter worldwide.

Samantala, ang pagbabalik ni Kuya sa telebisyon via Pinoy Big Brother Unlimited: The Big Fiesta ay agad namang tumatak ng inilunsad at umakyat sa ika-siyam na puwesto sa average national TV rating na 22.9%.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply