Jail guard, 1 pa sugatan sa pamamaril

SUGATAN ang isang jail guard at isa pang binata matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Navotas, kahapon, Nobyembre 28.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa kaliwang braso si JO2 Edwin Espeña, 38, nakatalaga sa Navotas Jail at residente ng Quiapo, Manila habang sa kaliwang hita naman ang tama ni Luiz Parambita, 18 ng Galicia St., Bangkulasi, Navotas.

Sa ulat, alas-5:30 ng hapon, binabagtas ni Espeña ang C-4 rd., Bagumbayan South at pagsapit sa tulay ay binaril suspek.

Bago tumakas ay binaril din ng suspek ang nagpapahangin na si Parambita na naging dahilan upang dalhin sa TMC ang mga biktima.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply