Jail warden na natakasan ng preso sinibak

TULUYAN ng sinibak sa kanyang puwesto ang isang jail warden sa lalawigan ng Davao matapos na matakasan ito ng preso kamakailan na hangang sa kasalukuyan ay target pa rin ng binunong tracking at recovery team na maibalik sa kulungan, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, simula ngayon ay sinibak sa pwesto bilang jail warden sa Davao City Jail si Chief Insp. Erwin Kenny Ronquillo.

Ito ay makaraang matakasan ng isang preso na si Ferdinand Flores na pakay ngayon ng tuluy-tuloy na manhunt operation ng mga awtoridad.

Ayon naman kay Ronquillo, wala siyang kinalaman sa nangyari at malinaw na kasalan ng kanyang mga tauahan ang nasabing insidente dahil hindi naman humingi ng pahintulot ang mga ito sa kanya nang pinalabas sa kulungan si Flores.

Payo naman ni Ronquillo kay Flores na sumuko na lamang kaagad upang hindi malagay sa peligro ang kanyang buhay at huwag ng madagdagan pa ang kanyang kinakaharap na kaso.

Dahil sa nasabing insidente, inatasan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na sampahan ng kasong admistratibo si Ronquillo.

Samanatala, nabatid na plano ring palitan sa kanyang puwesto ang wardress ng Davao City Female Dormitory na si Grace Taqulin.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply