Jake Vargas lalong tumaas ang puwesto dahil sa award

NAGING corporate ang arrive ni Jake Vargas nang manalo siyang new singing discovery ng Philippine Movie Press Club. Ang magnda rito, very thankful si Jake pati na manager niyang si Kuya Germs dahil kinilala ang kanyang achievement.

Sa GMA-7, tumaas ng maraming level si Jake who’s now considiered a teenage star ng naturang network.
Tagumpay din kasi ang Pahiram Ng Isang Ina, at dito niya pinatunayang, he, too, can be a material in the acting genre. Yes, isa nang aktor ngayon si Jake, who, we are sure, will one day be given a role na kung  saan mae-exploit ang kanyang acting talent.

At sa mga out-of-town shows, lalong nagiging in demand ang teener and most of all, he now can command a higher talent fee. Mas mataas ng ilang notches sa ibang Tween Heart hopefuls na gaya ni Jake ay nangangarap din makarating sa tamang puwesto.

Gaya ng kapistahan sa Barangay Anunas sa Angeles City sa November 25, si Jake ang headliner sa mga guests nila. Pasasayahin niya’ng mga taga-Anunas with matching Kuya Germs.

Sa pamamagitan ng barangay council headed by Mr. Edgardo Agapito, naimbitahan si Jake at si Boy Tikling who together with his singing partner, bilang Tongits stand up comedy duo ay kasama rin sa pagtatanghal naman, ang naging agent para nga mag-materialize yung pagdating sa kanilang barangay ni Jake Vargas.

Through this column, at sa inyong lingkod, ipinaabot po ni Jake ang kanyag pagbati sa araw ng inyong Kapistahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply