Janelle Manahan bumubuti ang kalagayan

PATULOY na umiinam ang kondisyon ni Janelle Manahan, ang kasintahan ng napatay na si Ram Revilla, matapos ang maselang operasyon sa kanyang mukha noong Lunes (Nobyembre 7).

Ayon sa kampo ni Janelle, inalis na rin ng mga doktor ang tubo sa kanyang bibig dahil pagaling na ang sugat.

Gayunman, hindi pa rin maaring magsalita ang dalaga upang mas mapabilis ang kanyang paggaling. Nakakausap siya sa pamamagitan ng senyas at pagsulat.

Tinatayang makalalabas si Janelle sa ospital sa susunod na linggo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply