Janelle Manahan isasailalim sa WPP

HIHILINGIN ng kampo ni Janelle Mnahan na isailalim siya sa witness protection program para sa kasintahan ng napatay na si Ramgen Revilla.

Ito ay matapos maikuwento nang mas buo ni Janelle sa kanyang mga abogado ang mga pangyayari bago, habang at matapos ang krimen.

Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Argee Guevarra, maraming hindi pagkakatugma sa testimonya ni Janelle at sa isinumiteng affidavit ng kapatid ni Ram na si Ramona Bautista.

Paniwala nila, may “bigger conspiracy” sa nangyaring krimen.

Nauna nang sinabi ng ina ni Ram na si Genalyn Magsaysay na mahal pa rin ng pamilya Bautista si Janelle.

Sagot naman ng dalaga, kung  totoong mahal pa rin siya ng mga Bautista ay pauwiin nila mula sa Turkey si Ramona.

Samantala, araw-araw pa ring sumasailalim sa iba’t ibang therapy si Janelle para maibalik ang pakiramdam ng kanyang mukha at mapalakas ang kanyang katawan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply