Janelle Manahan lumabas na ng pagamutan

LUMABAS na ng ospital si Janelle Manahan, ang girlfriend ng napaslang na si Ramgen Revilla.

Sa kanyang statement na binasa ng kanyang abogado, nakasaad ang kanyang pagpapasalamat sa lahat ng mga nagdasal para sa kanyang mabilis na recovery.

Pangangalagaan daw ni Janelle ang pangalawang buhay na ibinigay sa kanya ng Panginoon.

Matatandaang masuwerteng nabuhay si Manahan sa kabila ng tinamong tama ng bala ng baril sa mukha noong gabi nang patayin si Ramgen.

Sa ngayon ayon sa kanyang abogado, magpapahinga muna si Janelle  upang mapaghandaan ang pagtestigo sa kasong pagpatay sa kanyang boyfriend sa gagawing pagdinig sa Disyembre 2.

Una nang tiniyak ni Janelle na hahanapan ng hustiya ang pagkamatay ng kanyang nobyo.

Halos isang buwan ding na-confine sa Asian Hospital Medical Center sa Muntinlupa City ang young actress.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply