JC Tiuseco karibal ni Derrick Monasterio kay Sarah Lahbati

KAHIT napababalita ngayon na lumiligaw si Derrick Monasterio kay Sarah Lahbati, di pa rin mapigilan si JC Tiuseco sa paghanga kay Sarah kahit ano pang sabihin ng iba riyan.

Nang malaman kasi ni JC na makaka-partner niya sa latest GMA-7 afternoon soap na “Kokak” si Sarah Lahbati, laking tuwa niya dahil sa matagal na pala niyang crush ito. Pagkakataon na nga naman niyang mapalapit nang husto sa dalaga na noon pa ma’y crush na niya. Una pa lang daw niyang kita sa StarStruck 5 group kay Sarah, gandang-ganda na siya sa dalaga.

Di naman masama kung humanga si JC dahil crush lang naman iyon, bukod pa sa loveless ito ngayon. Come to think of it, puwede niyang ipagmaingay ang kanyang nararamdaman dahil single siya at maging si Sarah man.

Bale sa Kokak ay love triangle affair sina JC, Sarah at TJ Trinidad.

Ang Kokak ay remake ng Seiko Films movie noon na Kokak din ang working title na pinagbidahan ni Rachel Lobangco. Kasing seksi rin kaya rito sa TV version si Sarah ni Rachel?

000

TALAGANG payabong ang TV5 ngayong 2011. Di lang malalaking artists na tulad ni Nora Aunor ang kanilang nakukuha bilang star dahil purmirma na si recently si Nora ng bagong 3-year-contract sa network ni Manny V. Pangilinan.

Sa katatapos na Golden Dove Awards Night, humakot ng parangal at nominations ang TV5. Nag-uwi sila ng 24 na parangal at nominasyon sa 20th Golden Dove Awards ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) nitong Lunes (Oktubre 26) sa Aliw Theater, Maynila.

Nakuha ng longest-running children’s program na Batibot ang Best Children’s Program —karagdagan sa mahabang listahan ng parangal ng programa dito at sa abroad. Samantala, sa ikatlong sunod na taon, naiuwi muli ng Talentadong Pinoy ang Best Variety Program. Panalo naman si Roderick Paulate ng Best Actor for Drama Program para sa Star Confessions.

Sa larangan ng paghahatid ng balita at impormasyon, kinilala ang initial offering ng DOKYU5 na Bayani: Isang Imbestigasyon sa Pagkatao at Pakikibaka ni Dr. Rizal bilang Best Documentary. Nakuha naman ng hepe ng NEWS5 na si Luchi Cruz-Valdes ang Best Public Affairs Host trophy para sa investigative program na Journo, na nominado naman sa Best Public Affairs Program-Metro Manila category.

Panalo ng Best Public Service Program ang medical service program na Alagang Kapatid at ang host nito na si Cheryl Cosim.

Tinanggap naman ni 2009 CNN Hero Efren Peńaflorida ang Best Magazine Program trophy para sa Ako Mismo ng Aksyon TV Channel 41. Naiuwi naman ng Chink Positive (hosted by Chinkee Tan with Cristina Lazo) ng Radyo5 92.3 NEWS FM ang Best Special Program trophy.

Congrats TV5!

000

SAMANTALA, ang Philippine Movie Press Club (PMPC) ay nagpalabas na ng Official Nominees ng 25th Star Awards for TV.

Mula sa mga shows na ipinalabas sa telebisyon mula sa cut-off period na June 30, 2010 hanggang July 1, 2011, nirebisa at dumaan sa masusing deliberasyon ng PMPC screeners ang mga nanguna sa listahan ng nominasyon.

Ngayong taong ito, ilulukok sa Hall of Fame ang Drama Anthology na ‘Maalaala Mo Kaya’ at Showbiz Oriented Talk Show Host na si Boy Abunda dahil sa kanilang 15 beses na pagkakapanalo ng award. Noong isang taon ay iniluklok din sa Hall of Fame ang Variety Show na Eat Bulaga.

Ipagkakaloob ang Ading Fernando Lifetime Achievement Award kay Ms. Susan Roces at ang Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award kay Ms. Jessica Soho.

Gaganapin ang awards night sa Resorts World Manila sa ika-22 ng Nobyembre, 2011 sa ganap na 6:00 p.m. Mula ito sa Airtime Production at sa direksyon ni Al Quinn. Mapapanood ito sa Kapamilya Sunday’s Best sa ABS-CBN sa ika-27 ng Nobyembre, 2011.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply