Jennylyn hiyang-hiya kina Luis, Governor Vilma

HINDI naitago ni Jennylyn Mercado ang pagkadismaya nang masangkot ang pangalan niya sa hiwalayan nina Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Katuwiran ni Jen, okey lang daw masangkot siya sa isyu kung dalaga pa siya at walang idine-date.

Hindi raw maganda sa isang tulad niya na isangkot sa break-up ng dalawa kaya hiyang-hiya siya kina Luis Manzano at Batangas Governor Vilma Santos.

Nanawagan tuloy siya kay Raymart na tulungan siyang ayusin ang isyu para malinis naman ang kanyang pangalan.

Pinadala ni Jen ang lahat ng text messages na natanggap niya kay Raymart para tulungan siyang magsalita na wala siyang kinalaman sa nangyaring gulo sa pagsasama nila ni Claudine.

Say ni Jen, sumagot naman daw si Raymart at sinabi sa kanya na aayusin ang pagkakadamay niya sa isyu.

“Nag-sorry naman siya (Raymart) dahil nadamay ako. Hindi raw ako dapat nasasali sa anumang pinagdaraanan nila,” say ni Jen.

As of now ay walang kumpirmasyon na hiwalay na sina Raymart at Claudine dahil sa joint statement na pinadala ng mag-asawa sa kanilang abogado na hindi pa nga raw sila hiwalay at inaayos ang kanilang pagsasama.

Pero how true na baka raw may kinalaman ang mga kontrata nina Raymart at Claudine sa mga endorsement nila kaya hindi puwedeng magbigay ng tunay na estado ng kanilang pagsasama?

***

NAGLABAS na ng opisyal statement ang pamilya Revilla sa pagkamatay ni Ram Revilla na ang suspek din sa pagpatay ay kapatid daw nito sa pamamagitan ng kanilang spokesperson na si Portia Ilagan.

“Our familya is as shocked as everyone. Nabigla rin po kami sa kinalabasan ng imbestigasyon sa pagkamatay ng aming kapatid na si Ramgen at ngayon naman, ang pagkakasangkot ng tunay na kapatid ni Ramgen at half-brother din namin na si Joseph.

“Ang hinihiling lang namin ay bigyan-pansin ang kredibilidad ng mga suspek na isinasangkot ang aming kapatid sa ama na si Joseph. This statement should be validated not taken on face value alone. I call on the Task Force Ramgen to make sure that the revoke of the investigation must not lead to irreparable damage to the innocents, especially to the family members.

“Ganunpaman, kung sinuman ang tunay na may kagagawan nito, kahit sino pa siya, dapat siyang managot. Maraming salamat po sa lahat ng nakikiramay at patuloy na nakikiramay at nagdarasal para sa aming kapatid at sa aming pamilya. Justice for Ramgen, so help us God.”

Samantalang kahit anong pinagdadaanan problema ni Senator Bong Revilla ay hindi nito pinababayaang mabigyan ng oras at araw ang pagte-taping ng Kap`s Amazing Sto- ries na napapanood every Sunday sa GMA-7.

May aral at leksyon kasi ang kada-episode ng kanyang show kaya kahit anong hectic ng schedule at anumang problema ay talagang binibigyan niya ito ng oras.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply