Jinggoy ayaw patulan ng Malakanyang

AYAW patulan ng Malakanyang ang pag-aalburoto ni Senador Jinggoy Estrada kaugnay sa pagsasailalim sa hospital arrest kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa St.Luke’s Hospital sa halip na sa isang government hospital.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, walang dahilan para magalit sa Malakanyang ang senador dahil hindi naman sila ang nagdesisyon na ipasok sa St. Luke’s ang dating lider bilang bahagi ng kanyang hospital arrest.

Matatandaang, sumailalim din sa hospital arrest si dating Pangulong Joseph Estrada, ama ng senador subalit hindi sa alinmang private hospital kundi sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC), isang government hospital sa bansa.

“That proposition or that matter is now under the jurisdiction of the regional trial court. Ang nangyari po kasi is that when the warrant was served, even the doctors of the former president have said that her medical condition is sensitive at hinayaan po naman nating manatili doon and Friday ho ‘yon, inabutan ho ng Sabado, ng Linggo, hindi ho sila nakapag-file ng motion. So, bukas ho, pag-apak ho ng Lunes dapat—that move will be up to the camp of the former president para hingin po ‘yan dahil it is not the Executive’s position to give that particular point but the representation of the former President will have to seek the approval of the regional trial court on the matter of the hospital arrest,” ayon kay Usec. Valte.

Ipinaubaya naman ng Malakanyang kay Justice Secretary Leila de Lima ang pagde-desisyon kung hahayaan nitong makulong sa isang airconditioned na piitan si GMA sa oras na gumaling na ito.

Bukod dito, hihintayin muna nila ang magiging dikta o sasabihin ng korte kaugnay sa magiging solusyon sa mosyon na ihahain ng kampo ni dating Pangulong Arroyo.

Wala namang ideya si Usec. Valte kung may planong bisitahin ni Pangulong Aquino si Mrs. Arroyo sa St. Luke’s hospital.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply